May bago kaming kasamahan sa trabaho na taga Europa, mabait siya at palabati sa lahat ng tao sa sakahan. Hindi ko siya ka-departamento pero madalas niya akong tinatawagan at pinapadalhan ng email para mag tanong ng kung ano-anong ka-shitan na may kinalaman sa trabaho.

Alam kong walang masama sa magtanong pero habang tumatagal kasi parang unti-unti na akong nakakaramdam ng pagka-irita sa mga email niya sa akin.

na sinundan naman neto….


Pagkaraan ng ilang araw, nag email ulit siya sa akin na tahasan ko na talagang dinedma.

Marahil ay naisip niya na hindi ako kinilig sa subject na inilagay niya sa kanyang email kaya pinalitan niya ito at pinadala ulit sa akin pagkaraan lamang ng ilang minuto:-

Ayon ng mga kaibigan ko sa trabaho, dapat daw na ina-appreciate ko ang mga mensahe niya sa akin. Ewan ko lang pero mahirap matuwa kung ramdam na ramdam mo na may pang uuto nang nagaganap.

Tinanong ko ang opismeyt ko kung sino o ano ba itong Oracle at Delphi na sinasabi ng mokong sa email niya.

Ang sagot akin si Zsa Zsa daw LOL.

About these ads